-- Advertisements --
Bukas umano ang pintuan ni Bayan Muna Rep, Carlos Zarate na makipag-usap kay Pangulong Rodrigo Duterte matapos ang mga natanggap nitong patutsada mula sa presidente kagabi.
Gagawin daw ni Zarate ito para sa mamamayang Pilipino.
Kung maaalala, hinamon ni Duterte si Zarate na harapin ito dahil tila ginagamit daw ng mambabatas ang mga nakokolekta nitong pera mula sa mga komunistang grupo para gamiting pambayad sa pag-aaral ng kaniyang anak sa Europa.
Hindi naman nagbigay ng karagdagang komento si Zarate tungkol sa iba pang akusasyon na ipinupukol sa kaniya ng Pangulo.
Hindi rin ito ang kauna-unahang pagkakataon na ininsulto ng Presidente ang nasabing mambabatas.