-- Advertisements --

Nanawagan si House Majority Leader Sandro Marcos sa mga bangko na pansamantalang alisin ang ilang transaction fees upang mabawasan ang epekto ng Middle East crisis sa mga Pilipino. Sa ilalim ng House Resolution No. 905, layunin nitong magbigay ng agarang ginhawa lalo na sa mga umaasa sa ATM, online banking, at e-wallets.

Ayon kay Marcos, kahit maliit ang bayarin tulad ng ATM withdrawal at online transfer fees, lumalaki ito at nakakaapekto sa kita ng mga manggagawa at OFWs. Dagdag pa niya, mahalaga ang hakbang na ito upang makatulong sa gitna ng pagtaas ng presyo ng langis at inflation.

Hinikayat din niya ang Bangko Sentral ng Pilipinas na manguna sa pagpapatupad ng mga relief measures. Samantala, patuloy na pinag-uusapan ng pamahalaan ang iba pang solusyon tulad ng subsidiya at posibleng suspensyon ng fuel excise tax na pinahintulutan ni Ferdinand Marcos Jr. (Report by Bombo Jai)