Limang mambabatas ang inihalal bilang Deputy Speakers of the House of Representatives sa 19th Congress at namumpa sa harap ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez habang isinasagawa ang regular session.
Ang mga nanumpang Deputy Speakers ay sina Kristine Singson-Meehan (2nd Dist., Ilocos Sur), Camille Villar (Lone Dist., Las Piñas), at Ralph G. Recto (6th Dist., Batangas).
Bukod sa tatlo, inihalal din bilang Deputy Speaker sina Pampanga Rep. Aurelio Gonzales at Cebu Rep. Vincent Franco “Duke” Frasco bilang Deputy Speakers.
Si Gonzales ay agad na nanumpa sa pangunguna ni House Speaker Romualdez.
Si Frasco naman ay nag-oath taking kasama ang kanyang misis na si Tourism Sec. Christina Frasco.
Sa ngayon umabot na sa siyam ang tumatayong Deputy Speakers ng Kamara.