-- Advertisements --

Kinumpirma ni Deputy Speaker Raneo Abu ang pagpanaw ngayong araw ni Sorsogon Rep. Ditas Ramos.

Pero wala pang malinaw na kumpirmasyon sa kung ano ang dahilan nang pagkamatay ni Ramos.

Kamakailan lang ay kinumpirma ni House Secretary-General Jose Luis Montales nagpositibo si Ramos sa COVID-19 matapos itong magpasuri.

Sa sesyon nitong hapon ay nag-alay ng panalangin para sa yumaong mambabatas ang mga kasamahan nitong kongresista.