-- Advertisements --

Inihatid na ngayong Sabado sa Sacred Heart Memorial Gardens sa Dasmariñas City ang labi ng pumanaw na kongresista ng syudad na si Rep. Elpidio Barzaga.

Matatandaang binawian ng buhay ang mambabatas noong Abril 27, 2024.

Nabatid na buhos ang mga nakikidalamhati sa pamilya Barzaga mula pa noong ibinurol ito sa City of Dasmariñas Arena hanggang nitong Biyernes na huling gabi ng lamay.

Isinara pa ang ilang lansangan patungo sa memorial garden dahil sa dami ng nais makipaglibing.