-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Hinamon ng bagong Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Lt. Gen. Noel Clement ang kapwa bagong Philippine Military Academy (PMA) Superintendent na si Rear Admiral Allan Cusi na tuluyan nitong burahin ang mga kaso ng pangmamaltrato sa loob ng akademya.

Inatasan ni Clement ang opisyal na simulan ang reorientation sa mga kadete para maliwanagan sa tunay na kahulugan ng “authority” at “responsibility.”

Bilang tugon, tiniyak ni Cusi ang kahandaan na kausapin ang lahat ng PMA cadets.

Naniniwala kasi ito na mahalagang magkaroon siya ng relasyon sa mga kadete para makapag-bahagi ang mga ito ng kanilang sentimyento sa mga bagong ipapatupad sa loob ng akademiya.

Pero kakailanganin pa raw ito ng sapat na panahon.

Nangako si Cusi na tututukan ang character development ng bawat kadete, gayundin ang pagtuturo ng pagiging mapagkumbaba.