Ikinatuwa ni Bicol Saro Partylist Representative Brian Raymund Yamsuan ang pagbubukas muli ng biyahe ng Philippine National Railways’ (PNR) train operations sa pagitan ng Camarines Sur at Albay na magsisimula ngayong araw December 27,2023.
Anim na taon natengga ang Naga- Legazpi raile line.
Sinabi ni Yamsuan na lalong lalakas ang negosyo sa pagitan ng dalawang major commercial hubs sa Bicol at magreresulta sa pagsigla ng ekonomiya sa rehiyon.
Pinuri naman ni Yamsuan ang PNR at Department of Transportation (DOTr) sa pagbubukas muli ng biyahe ng train.
Inihayag pa ng Kongresista isang magandang regalo ngayong pasko para sa mga Bicolano ang pagbubukas ng rail line.
Magugunita na nitong July, 2023 muling ipinagpatuloy ng PNR ang kanilang biyahe mula Naga City patungong Ligao sa Albay na mayruong siyam na istasyon.
Ayon sa PNR, apat na biyahe ang available araw-araw mula Naga patungong Legazpi at vice versa.
Mayruon itong 16 na istasyon at ang pamasahe ay nasa P15 hanggang P155 para sa end-to-end travel.
Siniguro naman ng PNR na magkakaroon ng 20% discount ang mga estudyante, seniors, at persons-with-disability (PWDs).
Samantala, umaasa din si Yamsuan ang pagbuhay sa iconic na Bicol Express line.
Si Yamsuan ay kilalang staunch advocate sa pagbuhay muli ng kilalang Bicol Express line.
Sa sandaling maging full opereational ang Bicol Express line mas magiging komportable at mas mabilis ang biyahe hindi lamang para sa mga bisita kundi maging sa mga turista.
Binigyang-diin din ni Yamsuan ang pag reconstruct sa buong Bicol Express line para gawin itong moderno, world-class mode na transportasyon na kumukunekta sa Metro Manila at Laguna ay isang game-changer para sa rehiyon lalo na sa paglago ng ekonomiya.