-- Advertisements --

Ipinahayag ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na target nilang muling buksan sa publiko ang Manila Baywalk dolomite beach sa Hunyo 3.

Ito ay matapos na ipagpaliban ng ahesya ang naunang araw na kanilang itinakda para sa pagbubukas nito noong nakaraang linggo, Mayo 20, 2022.

Paliwanag ni Environment Undersecretary for policy, planning and international affairs Jonas Leones, kasalukuyan pa raw kasi nilang pinapa-plantsa ang ilang mga bagay ukol dito tulad na lamang ng budget na kinakailangan para sa maintenance ng nasabing lugar.

Kinakailangan din nitong magsagawa pa ng clean up operation malapit sa US embassy sa Maynila.

Magugunita na maraming kritisismo ang natanggap ng DENR mula sa mga environmental group sa bansa na tutol sa proyektong ito ngunit itinuturing naman ito ng ahensya na bahagi ito ng kanilang ginagawang rehabilitasyon ng Manila Bay.