Nangako ang Senate committee on basic education na kanilang babantayan ang pagdaraos ng remote learning process para sa mga estudyante.
Ayon kay committee chairman Sen. Sherwin Gatchalian sa panayam ng Bombo Radyo, mahalagang mabigyan ng regular assessment ang mga bagong method, para makapag-adjust.
Hindi lang umano ito malaking hamon para sa mga kabataan, kundi maging sa mga guro na gagabay sa kanila.
Sa mga nakaraang hearing ng Senado ukol sa prosesong ito, sinasabing gagamit din ng modules sa ilang lugar, habang ang may available internet at communication device ay may scheduled activities.
“Mahalagang mabantayan natin kung epektibo yung pamamaraan nila, dahil hindi dapat masayang ang isang taon na walang natututunan ang mga bata,” wika ni Gatchalian.