-- Advertisements --

Maghahanda rin ng kanilang mobility assets ang Philippine National Police (PNP) para sa pagpapakalat ng “Libreng Sakay” para sa mga mananakay na maaapektuhan ng nakaambang transport strike ngayong linggo.

Ayon kay PNP Chief PGen. Jose Melencio Nartatez Jr., inatasan na niya ang mga tanggapan ng PNP na magtalaga ng kani-kanilang mga mobility assets para sa pagbibigay ng assistance sa mga mananakay simula yan Abril 15 hanggang Abril 17.

Maliban dito iniutos rin ng hepe ang pagpapatupad ng mahigpit na seguridad sa mga paggaganapan ng tigil pasada at mga kilos-protesta na kasabay nito para matiyak ang kaayusan at kapayapaan sa gitna ng mga panawagan na ito.

Samantala, maliban sa pagtatalaga ng mga mobility assets para sa Libreng Sakay ay iniutos rin ni Nartatez ang pagpapanatili ng police visibility habang mahigpit rin na ipinapatupad ang mataas na antas ng pagtitimpi sa magiging kabuuan ng mga isasagawang demonstrasyon.