Inihayag ng World Bank na inaasahang lumago ang foreign remittance sa Pilipinas na hanggang limang porsyento.
Sa datos ng World Bank ang Pilipinas ay nananatiling kabilang sa fourth-largest recipient ng foreign remittance sa buong mundo na mayroong $40 billion.
Nangunguna pa rin ang bansang India na may $125 billion.
Sinusundan ito ng Mexico na may $67 billion habang pangatlo naman ang China na may $50 billion.
Ayon sa World Bank ang pagsipa ng foreign remittance ay dahil sa patuloy na pagtaas ng demand ng mga Filipino Migrant Workers.
Sa pinakahuling remittance growth projection, mas mataas ito sa naging unang pagtataya na nasa 2.5% growth noong June 2023.
Samantala, sinabi ng Bangko Sentral ng Pilipinas na kanilang inaasahan ang pagtaas na 3% sa remittances sa 2024.
Naniniwala naman ang World Bank na resulta ito ng mga ginagawang hakbang ng gobyerno para proteksyon ang mga OFWs. (With reports from Bombo Victor Llantino)