-- Advertisements --

Sinimulan na ng pamunuan ng Philippine National Railways ang pagsasagawa ng relocation para sa mga informal settlers na nagtayo ng kanilang mga bahay sa ruta ng mga riles ng North-South Commuter Railway sa Metro Manila na nakatakda namang simulan ngayong buwan ng Abril.

Sa isang pahayag sinabi ni PNR chair Michael Macapagal na aminado siyang sa kasagsagan ng kanilang ginagawang mga aktibidad ay posibleng may makahanap silang iba’t ibang mga problema at isyu.

Ngunit gayunpaman ay inihayag niya na handa silang agad na tugunan ito ng case-to-case basis.

Aniya, naabisuhan na ang mga informal settlers hinggil sa naturang relocation para sa nasabing proyekto.

Kaugnay nito ay may natanggap na rin aniya siyang direktiba mula sa Palasyo ng Malakanyang at kay Transportation Secretary Jaime Bautista na i-relocate ang mga apektado ng indibidwal sa kaparehong lalawigan at munisipalidad kung saan sila unang naninirahan.

Samantala, kasabay nito ay ipinaliwanag din ng opisyal na kabilang na sa Php837 billion na budget ng Department of Transportation at PNR para sa North-South Commuter Railway ang relocation allowance para sa mga compatriots.

Bukod dito ay kasalukuyan na rin aniya silang nakikipag-ugnayan sa Department of Human Settlement and Urban Development, at National Housing Authority para naman sa relocation ng mga apektadong indibidwal sa mga resettlement areas.