-- Advertisements --

Nasa 52 box ng relief goods ang itinurn over ng Department of Foreign Affairs (DFA) ngayong araw para sa mga residente ng Hubei province sa China, na siyang tinaguriang ground zero ngayon ng 2019 novel coronavirus (nCoV).

Laman daw nito ang mga pagkain, gamot at iba pang pangangailangan ng mga residenteng hindi na nakalabas ng probinsya dahil sa lockdown ng Chinese authorities.

Ayon kay Usec. Dulay, pagtanaw ito ng gobyerno sa relasyon at pagkakaibigan ng estado at Beijing, na kahit nasa gitna ng alerto ay patuloy pa ring nagtutulungan para sa kaligtasan ng kanilang mga mamamayan.

Nagpasalamat naman si Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian na tumanggap ng mga relief goods.

Ngayong gabi kasamang tutulak ng medical team mula sa Department of Health an tatlong members ng DFA Health Emergency Response Team.

Binubuo ito nina Rowell Casaclang, Abdul Rahman Pacasum, at Richard Delos Santos ng Office of the Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs ng DFA.

Kumpiyansa si Usec. Sarah Lou Arriola sa kakayahan ng tatlong kawani na ipinadala dahil sa kanilang karanasan sa repatriation.

At gaya ng mga Pilipinong darating mula Wuhan City, China, nakatakda ring sumailalim sa quarantine ang response team pagbalik ng Pilipinas.