-- Advertisements --

On hold muna ang release ng mahigit Php15 million na payout sana ng Commission on Elections (Comelec) sa debate partner nito na Impact Hub Manila.

Sa gitna ito ng kasalukuyang imbestigasyon na isinasagawa ng komisyon hinggil sa kontrobersyal na deal sa pagitan ng Impact Hub, Sofitel, at ng ilang mga opisyal ng Comelec na umano’y sangkot sa nasabing usapin.

Kung maaalala, una nang kinwestiyon ni Commissioner Rey Bulay ang basis ng purchase request nina Comelec director Frances Arabe at spokesman James Jimenez na nagkakahalaga sa P15.3 million.

Aniya, sa ngayon ay hindi pa niya alam kung ano ang dahilan ni Comelec Chairman Saidamen Pangarungan sa likod ng hold order nito sa nasabing request, na siya rin namang nag-apruba kasama si Commissioner Socorro Inting.

Si Bulay ang siyang naatasan na manguna sa isinasagawang internal investigation sa mga bagay na nauugnay sa dahilan ng postponement ng original schedule ng mga debate noong Abril 23 hanggang Abril 24, 2022.