DFA LOCSIN 2
-- Advertisements --

Malaki ang magiging epekto sa relasyon ng Pilipinas at US ang nagaganap na racial attacks sa mga Filipino-American.

Ayon kay Department of Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr, na hindi maiiwasan na maapektuhan ang relasyon ng dalawang bansa dahil patuloy ang pagtaas ng kaso ng Asian Hate Crime.

Hindi rin maitago ni Locsin ang galit sa mga nagaganap na Asian-hate crime sa US na may mga Filipino na rin ang nabiktima.

Patuloy din ang panawagan nito sa mga Filipino na naninirahan sa US na palagiang mag-ingat para hindi sila mabiktima ng hate crime.