-- Advertisements --

VIGAN CITY – Matagumpay ang isinagawang Dugong Bombo sa bayan ng Galimuyod, Ilocos Sur ngayong araw.

Nasa 135 ang kabuuang bilang ng mga successful blood donors at sumuporta sa New Normal Dugong Bombo na pagdo-donate ng dugo ngayong Coronavirus disease 2019 (COVID-19) Pandemic.

Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan kay Galimuyod Mayor Jessie Balingsat, malaking ang kanyang pasasalamat dahil hindi umano nito inaasahan na ganito ang magiging resulta at pagdadaos ng bloodletting activity kasama ang Bombo Radyo Philippines.

Nabasag ang rekord na pinakamaraming blood donor noong sa mga nakaraang taon na 104.

Sa ngayon mayroon ng kabuuang 598 na successful blood donors sa limang bayan na pinuntahan ng Dugong Bombo 2020 sa lalawigan ng Ilocos Sur.