Kinumpirma ni Justice Sec. Menardo Guevarra na ngayong araw ihahain sa Office of the Ombudsman ang isang kaso na may kaugnayan sa korapsyon na nagaganap sa mga ahensya ng gobyerno.

-- Advertisement --

Umabot na kasi ng 208 reklamo ang isinampa sa Task Force Against Corruption (TFAC) subalit 148 lang dito ang kasali talaga sa actual corruption sa gobyerno.

Ayon dito, 69 sa 148 cases ang sumailalim na sa evaluation at 40 reklamo naman ang ini-refer na sa member agencies para kumuha ng kanilang rekomendasyon.

Binuo ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Oktubre 2020 ang Task Force Against Corruption at ginawang lead agency sa imbestigasyon ng mga corruption cases ng gobyerno ang Department of Justice (DOJ) hanggang sa matapos ang termino ng Presidente sa 2022.

Dagdag pa ni Guevarra na kasama sa mga reklamong inihain sa TFAC ang iba’t ibang national government agency, owned or controlled corporations, at mga local government units (LGUs).

Umiikot aniya ang mga reklamo sa paglabag sa anti-graft law, procurement law, rules of the Commission on Audit, social amelioration programs, ghost projects, unfinished projects, kickbacks at commissions, bribery, extortion, smuggling, fake land titles, falsified free patents at iba pang iligal na aktibidad na kinasangkutan ng mga public officals at pampribadong indibidwal.