-- Advertisements --

Aminado ang pamunuan ng Metro Rail Transit (MRT-3) na naapektuhan ng enhanced community quarantine ng COVID-19 pandemic ang rehabilitation works ng linya ng tren.

Paliwanag ito ng MRT-3 matapos nilang i-anunsyo kahapon na may apat na weekend mula July hanggang September na suspendido ang operasyon ng trains sysetem para sa pagpapalit ng mga riles at iba pang trabaho.

Sa isang panayam sinabi ni MRT-3 director for operations Michael Capati, na sa ilalim ng ECQ, naging limitado ang bilang ng mga kanilang manggagawa sa rehabilitasyon.

Hindi rin daw naging available ang ilang supervising experts dahil sa mahigpit na protocol na ipinatupad ng pamahalaan.

Sa isang statement nitong Martes, sinabi ng MRT-3 na sakop ng suspensyon ang weekends ng: July 4-5, August 8-9, August 21-23, at September 12-13.

“Rail replacement works to be done during the weekend suspension include turnout works for both the southbound and northbound tracks at North Avenue and Taft Avenue stations. Turnouts are used to enable trains to switch from one track to another,” ayon sa statement.