CAUAYAN CITY- Tinanghal na kampeon ang koponan ng region 2 sa katatapos na 10th Luzon Inter-regional Commission on Audit Sportsfest na ginanap sa City Of Ilagan sa Isabela .

Nasungkit NAMAN ng Cordillera Administrative Region ang 1st place habang ang 2nd place ay nasungkit ng region 3

Ang 10th Luzon Inter-regional Commission on Audit Sportsfest ay nilahukan ng pitong rehiyon mula sa Luzon na kinabibilangan ng mahigit 1,000 participants na nagtagisan ng husay at galing pagdating sa sports na kinabibilangan volleyball, bastketball, chess, billiard, lawn tennis at badminton.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni City Councilor Jay Eveson Diaz ng City Of Ilagan pagpapahayag niya na sa kabuuan ay naging maayos at mapayapa ang pagsasagawa ng naturang sportsfest at inihayag nito ang pasasalamat sa pamunuan ng COA sa pagpili sa City of Ilagan bilang na punong-abala.

Magiging host naman ang region 3 sa susunod na 11th Luzon Inter-regional Commission on Audit Sportsfest.