-- Advertisements --

Nagbabala ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa publiko na iwasan mula ang pagkain ng lahat ng klase ng shellfish na mula sa coastal waters ng Balinao, Pangasinan.

Ito ay dahil sa pagkakaroon ng algae sa nasabing katubigan na pinagmumulan ng red tide toxin.

Ayon kay BFAR regional director Rosario Segundina Gaerlan na makikita sa resulta ng naging monitoring ng Harmful Algal Bloom Department ng bureau na mas mataas ang toxin level sa nasabing lugar kumpara sa allowed limit nito.

Dahil jan ay mahigpit na ipinagbabawal ng kagawaran ang anumang panghuhuli, pagbi-biyahe, at pagbebenta ng shellfish kabilang na ang Acetes sp. mula sa nasabing lugar.