Iniulat ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na positibo sa red tide toxic ang ilang katubigan sa bahagi ng mga lalawigan ng Bohol, Zamboanga del Sur, at Surigao del Sur.
Ayon sa bureau, ito ay matapos na magpositibo sa Paralytic Shellfish Poison o toxic red tide ang mga shellfish na kanilang nakolekta sa nasabing lugar.
Dahil dito ay nagbabala sa publiko ang BFAR na hindi ligtas kainin ang lahat ng uri ng shellfish at alamang na magmumula sa mga sumusunod na lugar:
– Dauis and Tagbilaran City sa Bohol;
– Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur; at
– Lianga Bay sa Surigao del Sur.
Sa kabila nito ay nilinaw naman ng kagawaran na maaari pa ring kainin ang mga isda, pusit, at alimango basta’t sariwa ang mga ito, hugasang mabuti, at alisin ang mga lamang loob tulad ng hasang, at bituka bago lutuin.
Samantala, bukod dito ay iniulat din ng BFAR na “toxic red tide” free na coastal waters sa bahagi ng Milagros sa lalawigan ng Masbate.