-- Advertisements --
red tide

Nananatili pa rin ang red tide alert sa dalawang probinsya sa Pilipinas, batay sa Shellfish Bulletin No. 16, na inilabas ng Bureau of Fisheries and Aquatic resources(BFAR)

Ang mga lugar na apektado rito ay kinabibilangan ng mga katubigan ng Dauis at Tagbiliran City sa probinsya ng Bohol, kasama na ang Dumanquillas Bay sa Zamboanga De Sur.

Batay sa naging anunsyo ng BFAR, ang mga nasabing katubigan ay nananatiling positibo sa Paralytic Shellfish Poison (PSP) o toxic red tide.

Dahil dito, hindi ligtas kainin ang mga makukuhang shellfish mula sa mga nasabing katubigan.

Gayunpaman, nilinaw ng ahensya na maaari pa ring kainin ang mga isda, pusit, hipon, at mga talangka na nakukuha sa dalawang probinsya, basta’t linisin lamang ang mga ito ng maayos.

Kailangan ding matanggal ang mga laman-loob ng mga ito, bago lutuin at kainin.

Maalalang mula sa dating apat na probinsya na apektado ng red tide sa buong Pilipinas ay tanging ang Zamboanga Del Sur at Bohol na lamang ang nakataas sa red tide alert.