Posible umanong ilagay sa red alert ang Luzon grid kapag magpapatuloy ang nararanasang forced outages at pagnipis ng suplay ng elektrisidad.
Kasunod na rin ito ng paglagay kaninang tanghali hanggang alas-3:00 ng hapon sa Luzon grid sa yellow alert.
Sa ilalim ng red alert status, posibleng maranasan ang rotational brownouts.
Ayon sa Department of Energy (DoE) ang kanilang hakbang ay dahil na rin sa patuloy na pagnipis ng suplay ng kuryente mula sa Malampaya natural gas field.
Ayon sa DOE, nakitaan naman ng sapat na power supply sa Luzon pero para paghandaan ang quarantine measures pero ang hindi umano planadong outages at restrictions sa Malampaya gas field ay nakakaalarma na.
Kaugnay nito, sinabi ng DOE sa mga generation companies, National Grid Corp. of the Philippines (NGCP), at natural gas fuel supplier na agad magpaliwanag sa isyu.
“The energy industry must work together to ensure sufficient and stable power supply at all times. We also ask our industry players to approach us for any assistance. The department could fast-track the necessary restoration activities,” ani Energy Secretary Alfonso Cusi.