-- Advertisements --

Umakyat na sa 2,652 ang naitalang aftershocks, mula sa 6.9 magnitude na lindol sa Cebu.

Ayon sa data ng Phivolcs, nasa 531 sa mga pagyanig ang plotted o na-detect ng dalawa o higit pang pasilidad.

Habang 14 naman ang may kalakasan na naramdaman ng mga residente.

Ang mga aftershocks ay may lakas na mula sa 1.0 hanggang 5.0 magnitude.

Inaasahang magtutuloy-tuloy pa ang mga pagyanig hanggang sa mga susunod na buwan.

Una rito, natukoy ang mababaw na pinagmulan ng Offshore Cebu earthquake kaya ramdam ito sa maraming mga lugar.

Maliban sa Visayas, umabot din ito sa Luzon.

Partikular na sa Albay, Sorsogon at Camarines Sur.

Top