-- Advertisements --
Tanging 50 porsiyento lamang ng mga Pilipino ang nagsabing umaasa sila na magiging masaya ang Pasko ngayong taon.
Base sa resulta ng survey na inilabas ng Social Weather Stations (SWS) nitong araw, natukoy na ang naturang numero ay 12 points na mas mababa kumpara sa record-low na naitala sa 62 percent noong 2013, 2006 at 2005.
Natukoy din dito na 15 percent ng mga Pilipino ang nagsabing inaasahan nilang magiging malungkot ang Pasko, habang 33 percent naman ang nagsabing hindi ito magiging masaya o malungkot.