-- Advertisements --

Nakapagtala ng record high ang Department of Health (DOH) sa bilang ng mga gumaling mula sa COVID-19 ngayong araw.

Batay sa inilabas na case bulletin ng ahensya, lumalabas na may 101 reported recoveries. Kaya ang kabuuang bilang ng mga gumaling ay pumalo na sa 1,315.

Nabali nito ang record ng reported recoveries kahapon na 90 gumaling.

Sa kabila nito may 262 iniulat ang DOH na bagong tinamaan ng sakit. Nagpaakyat pa ito sa total ng confirmed cases sa 9,485.

Mula sa mga bagong kaso, 122 o 47-percent ang mula sa National Capital Region; 88 o 33-percent ang galing Central Visayas; habang 52 o 20-percent ang mula iba’t-ibang lugar.

Habang ang mga namatay ay nananatiling mababa sa 16, na ngayon ay may total nang 623.