Nakalikom ng P172 million na record-breaking sale sa travel bookings sa loob ng daalwang araw na Phillippine Travel Exchange (PHITEX) ngayong taon ayon sa Department of Tourism.
Iniulat ni DOT Secretary Christina Garcia-Frasco na ang PHITEX ang katibayan na sabik ang mga biyahero na makapamasyal matapos ang mga ipinatupad na lockdowns at restrictions dahil sa covid-19 pandemic.
Sa data mula sa Tourism Promotions Board (TPB) na nanguna sa ika-21 taon ng PHITEX travel trade noong oktubre 19 hanggang 20, nakapagtala ng kabuuang P172,602,851 sa business sales.
Nalagapasan nito ang sales record noong nakaliaps na taon at maging noong pre-pandemic travel trade na nasa P94.8 million noong 2018 at P46 million noong 2019.
Sa ginanap na PHITEX Expo event ngayong taon, dinaluhan ito ng international buyers at local sellers.
Sa 116 buyers, nasa 32 bansa ang lumahok 53 ang physically present habang ang 63 bansa ay nakilahok virtually.
Nasa 80 porysyento ng international buyers ang nakatakdang magtungo sa anim na post-event tour circuits kabilang ang Cebu-Bohol, Negros Oriental-Siquijor, Ilocos, CALABARZON, Davao, at Metro Manila.