Naitala ng Israel Ministry of Tourism ang record-breaking na bilang ng mga Pinoy na bumiyahe papuntang Israel sa unang bahagi ng 2023.
Ayon kay Sammy Yahia, director ng Israel Ministry of Tourism office dito sa Pilipinas, umabot na sa 19,300 Filipino tourists ang bumiyahe patungong Holy Land simula Enero.
Ito aniya ay mas mataas ng 40% kumpara sa naitala noong 2019.
Sinabi ni Yahia na malaking porsyento ng mga turistang naitatala ng Israel na nagtutungo sa Holy Land ay mga Pinoy.
Dahil dito, tiniyak ng Isaraeli official na lalo pa nilang pagbubutihin ang serbisyo para sa mga turistang Pilipino, lalo na sa koneksyon ng dalawang bansa.
Sa kasalukuyan, maaaring makabiyahe ang mga Pinoy papuntang Israel nang hindi nagbabayad ng visa, sa pamamagitan ng visa-free travel policy nito, sa loob ng 59 days.
Kahalintulad na polisiya rin ang tinatamasa ng mga Israelis, kapag bumiyahe sila papunta rito sa Pilipinas.