-- Advertisements --
Aminado ang coaching staff ng TNT Tropang Giga na wala pa ring kasiguaraduhan kung makakalaro bukas sa Game 3 ang kanilang high scoring star na si Ray Ray Parks Jr.
Sa ngayon nabaon na sa 0-2 deficit ang Giga sa mahigpit nilang karibal na Barangay Ginebra sa nagpapatuloy na PBA Philippine Cup Finals.
Ayon kay TNT coach Bong Ravena, umaasa sila na makakalaro na bukas si Parks.
Pero inamin din nito na hindi pa lubos na nakakarekober sa calf injury ang 6-foot-4 na 27-anyos na Fil Am.
Sa ngayon sumasali na raw sa light workout si Parks pero hindi pa pupuwede sa mabibigat na ensayo.
Gaganapin naman ang Game 3 simula bukas ng alas-6:00 ng hapon sa
sa Angeles University Foundation gym sa Pampanga.