-- Advertisements --

Pumirma ng contract extension si Filipino import Khiefer Ravena, kasama ang kanyang kasalukuyang team na Shiga Lakes.

Ang nasabing kontrata ay magtatagal hanggang 2024.

Ikinatuwa naman ng team management ang naging desisyon ni Ravena.

Para kay Ravena, itinuturing nito bilang isang panibagong journey ang pagpirma muli ng kontrata kasama ang Shiga.

Nagpasalamat naman ito sa management, kasabay ng pangakong tutulong ito upang lalo pang mapaangat sa standing ang nasabing koponan sa Japan G-league.

Sa kasalukuyan, si Ravena ay ang starting point guard ng nasabing koponan.

Siya ay may average na 10.5ppg, 2.6rpg, at 4.0apg sa nakalipas na game.