-- Advertisements --

Nasilat ng Toronto Raptors ang kalaban nitong Boston Celtics sa iskor na 137-134.

Nakapagpasok ng 32 points, six rebounds at five assist ang player ng Raptors na si OG Anunoby dahilan para makuha nila ang kanilang ikatlong panalo.

Dagdag dito, nakapag-ambag naman ng 23 points, three rebounds at two blocks si Derrick White ngunit bigo pa ring manalo ang Celtics para masadlak sila sa 2-2 standing.

Una rito, pinahiya rin ng Brooklyn Nets ang Minnesota Timberwolves sa kalamangan na ten points sa iskor na 112-102.