-- Advertisements --

Tinambakan ng Toronto Raptors ang Cleveland Cavaliers at ibinulsa ang Game 3 sa nagpapatuloy na Playoffs 2026.

Hindi napigilan ng Cavaliers ang 4th quarter surge ng Toronto kung saan umabot sa 43 points ang naipasok ng koponan habang 23 lamang ang naging kasagutan ng Cleveland Cavaliers.

Sa huli, tinapos ng Raptors ang laban, tangan ang 22 points na kalamangan.

Parehong kumamada ng 33 points ang forward at guard na sina Scottie Barnes at RJ Barett sa panalo ng Toronto, at ipinoste ang 58% field goal (FG) percentage.

Sa Cavaliers, parehong inalat ang dalawang shooter na sina James Harden at Donovan Mitchell kung saan nalimitahan lamang si Harden sa limang FG mula sa 13 na pinakawalan habang kay Mitchell, tanging isang 3-pointer lamang ang kaniyang naipasok mula sa 7 na pinakawalan.

Umabot lamang sa 6 2-point shots ang nagawa ni Mitcell sa kabuuan.

Sa kabila ng panalo ng Toronto, hawak pa rin ng Cavs ang bentaheng 2-1.

Gaganapin muli sa Toronto ang Game 4 sa pagitan ng dalawang koponan.