-- Advertisements --

Patay matapos pagbabarilin ang rapper na si Takeoff.

Nangyari ang pamamaril sa 28-anyos na rappers habang ito ay nasa bowling alley sa Houston, Texas.

Base sa imbestigasyon, naglalaro umano ng dice ang rapper na si Kirshnik Khari Ball sa tunay na buhay kasama ang Migos member na si Quavo ng ito ay pagbabarilin.

Mayroon pang dalawang biktima ang nabaril sa insidente at agad naman itinakbo sa pagamutan.

Si Takeoff ay siyang pinakamabatang miyembro ng Migos kung saan uncle nito si Quavo at pinsan nito si Offset.

Nabuo sila noong 2008 sa Georgio at naglabas ng ilang mga kanta gaya ng “Versace” noong 2018 at ang number one Billboard song noong 2016 na “Bad and Boujee”.