-- Advertisements --
Nasa pagamutan pa rin ngayon ang rapper na si DMX matapos na atakihin sa puso.
Ayon sa kaniyang abogado na si Murray Richman na mula pa noong Biyernes ay nanantili pa rin ang 50-anyos na rapper sa pagamutan sa White Plains, New York.
Naka-ventillator pa rin ito at hindi rin mawari ni Richman kung ano ang dahilan ng kaniyang pagkaatake sa puso.
Sumikat ang rapper o Earl Simmons ang tunay na pangalan noong 1990 sa mga kantang “Party Up” at “Get At Me Dog”.
Bukod sa pagiging singer ay lumabas din ito sa mga iba’t-ibang pelikula sa Hollywood.