Bumagsak mula sa ika-51 na puwesto noong 2021, ang bansa sa 2022 Global Innovation Index (GII).
Nasa ika-59 na puwesto na ang Pilipinas sa 132 na ekonomiya sa mundo ngunit nakakuha pa rin ng pagkilala bilang isang “extraordinary upward mover, with small setback.”
Ayon sa Department of Science and Technology (DOST), kinilala ng World Intellectual Property Organization (WIPO) ang kakayahan ng bansa na magsagawa ng higit sa inaasahan para sa antas ng pag-unlad nito.
Ayon sa ulat ng Global Innovation Index (GII), ang bansa ay gumawa ng mas maraming innovation output na may kaugnayan sa antas ng innovation investments nito.
Ang Global Innovation Index (GII) ay isang taunang ranking ng mga bansa ayon sa kanilang kapasidad, tagumpay at innovation.
Inilalantad nito ang mga pinaka-makabagong ekonomiya sa mundo, na niraranggo ang performance ng innovation ng humigit-kumulang 132 economies habang itinatampok ang mga lakas at kahinaan ng inobasyon.