-- Advertisements --
Tinambakan ng Rain o Shine Elasto Painters ang Barangay Ginebra 93-71 sa nagpapatuloy na PBA Commssioner’s Cup.
Bumida sa panalo ng Rain or Shine si import Steve Taylor Jr na mayroong 21 points, 10 rebounds at limang assists.
Itinuturing naman ni Rain or Shine coach Yeng Guiao na na tila nakadagit sila ng malaking isda dahil sa panalo nila.
Dagdag pa nito na maaring nagkaroon lamang ng masamang laro ang Ginebra kaya sinamantala nila ito.
Nasayan naman ang ginawang 20 points ni resident import ng Gins na si Justin Brownlee habang si Jamie Malonzo ay nalimitahan sa 14 points, walong rebounds, tatlong assists at tatlong blocks.