-- Advertisements --
Pasok na sa quarterfinals ng PBA Philippine Cup ang Rain or Shine matapos talunin ang NLEX 120-104.
Nangibabaw ang beteranong si Beau Belga na nagtala ng 18 points habang limang manlalaro ay mayroong double digits.
Natapos ng Elastopainters ang eliminations na mayroong anim na panalo at limang talo habang ang tatlong sunod na pagkatalo ng NLEX na may limang panalo at limang talo ay nagbigay sa Barangay Ginebra ng ikalawang puwesto.
Sinabi ni Rain or Shine coach Yeng Guiao na nagkaroon ng magandang kondisyon ang kaniyang mga manlalaro kung saan marami sa kanilang three points ay nakapasok.
Mula sa simula ay hawak ng Rain or Shine ang kalamangan kung saan sa third quarter ay naitala ang pinakamalaking kalamangan 95-69.