-- Advertisements --

Pinatikim ng Barangay Ginebra ng kanilang unang talo ang Rain or Shine Elasto Painters 108-97 sa nagpapatuloy na PBA On Tour sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Itintuuring na bayani ng laro si Jayson David ng maipasok niya ang basket sa natitirang 2.4 seconds.

Nabigo ng dalawang beses ang Rain or Shine na maipasok ang dalawang baskets nila kabilang ang corner shot ni Nick Demusis.

Ito ang unang talo ng Painters sa anim na sunod na panalo ng koponan.

Nanguna sa panalo ng Ginebra si Von Pessumal na nagtala ng 29 points, walong rebounds at isang assists.

Sinabi ni Ginebra coach Richard Del Rosario na naging matagumpay ang pag-step up ng iba nilang manlalaro gaya ni Jayson David na siyang naging malaking tulong para maipanalo ang laro.