-- Advertisements --
Nalusutan ng Rain or Shine ang Titan Ultra 112-111 sa nagpapatuloy na PBA Season 50 Philippine Cup.
Naging susi sa panalo ang apat na free-throws na naipasok ni Anton Asistio sa laro na ginanap sa Ynares Center sa Antipolo.
Umabot sa 19 na puntos ang hinabol ng Elasto Painters kung saan lamang pa ang Titan ng tatlong puntos sa natitirang apat na segundo ng laro.
Na-foul ni Joshua Munzon si Asistio habang tinatangka nitong maipasok ang four point shot sa natitirang 2.1 na segundo.
Pinuri ni Rain or Shine head coach Yeng Guiao si Anton dahil sa katalinuhang ipinamalas ng maipasok ang apat na free-throws.
Nanguna sa puntos si Nocum na nagtala ng 24 points at walong rebounds.
















