Rain or Shine Elasto Painters
RoS Painters/ PBA image

Naging sulit ang ginawang paghahabol ng Rain or Shine para tuluyang talunin ang Magnolia Hotshots 86-82 sa kanilang paghaharap sa PBA Commissioners’s Cup.

Pinangunahan ni Beau Belga ang laro na nagtala ng 22 points habang ang import nila na si Carl Montgomery ay nagtala ng 20 points para madala ang 5-5 win-loss record ang Elasto Painters.

-- Advertisement --

Naging pansamantalang import si Motgomery bilang pamalit sa na-injured na si Denzel Bowles.

Humanga naman si Rain or Shine coach Caloy Garcia sa ipinamalas na laro ni ng kanilang import.

Nasayang naman ang ginawang 24 points, eight rebounds at two blocks ni Ian Sangalang habang mayroong 19 points, 23 rebounds si James Farr at ito rin ang pangatlong sunod na talo ng Hotshots.