-- Advertisements --
image 186

Madadagdagan ang sigla ng railway industry ng bansa kapag natapos na ang North-South Commuter Railway (NSCR) at ang South Long Haul (SLH) flagship projects ng gobyerno.

Ito ang binigyang diin ni Transportation Secretary Jaime Bautista sa ika-131 anibersaryo ng Philippine National Railways (PNR).

Sinabi ni Bautista na ang dalawang proyekto ay mag-aangat sa railway indusyry ng bansa sa pandaigdigang pamantayan.

Aniya, ang Pilipinas ay gagawa ng isang railroad network na world-class – maipagmamalaki hindi lamang sa Asya, kundi pati na sa buong mundo.

Ang North-South Commuter Railway (NSCR) at ang South Long Haul, aniya, ay magsisimula sa isang “renaissance” ng industriya ng tren sa bansa at magbibigay ng koneksyon, dahil ang dalawang proyekto ng tren ay mag-uugnay sa Metro Manila sa mga rehiyon sa hilaga at timog Luzon.

Ang mga proyekto ay bubuo ng mga trabaho, magpapalakas ng paglago ng ekonomiya, at makakatulong sa pagpapagaan ng pagsisikip ng trapiko.

Ang North-South Commuter Railway na isang 147-km. ay magkakaroon ng 35 stations, 51 commuter train set, at pitong express train set na magsisilbi ng hanggang 600,000 pasahero araw-araw.

Sa kabilang banda, ang South Long Haul ay isang 577-km., na magkakaroon ng 33-station railway mula sa Metro Manila, na dumadaan sa Batangas, hanggang sa Bicol.