-- Advertisements --

Tinanghal bilang ambassador ng Saudi Tennis Federation si Rafael Nadal.

Magiging trabaho ng 22-time Grand Slam champion ang magtungo sa Saudi Arabia kada taon para turuan ang mga bata ng magkainterest ang mga ito sa larong tennis.

Sinabi ng Spanish tennis star na nakikita niya ang potensiyal ng maraming mga bata sa Sauidi na mangibabaw sa nasabing sports.

Noong nakaraang taon ay naging panauhin si Nadal sa isang tennis clinic sa Riyadh, Saudi Arabia.

Magugunitang hindi na naglaro sa Australian Open si Nadal dahil sa muscle injury at noong nakaraang taon ay naging balakid ang kaniyang problema sa beywang.