-- Advertisements --
Makakapaglaro na sa Australian Open sa Enero si Spanish tennis star Rafael Nadal.
Kinumpirma ito ng tournament director Craig Tiley ang paglalaro ng 22-time major winner.
Mula kasi noong Enero ngayong taon ay hindi na naglaro matapos ang second round na pagkatalo kay MacKenzie McDonald dahil sa injury sa beywang.
Dalawang beses na sumailalim sa operasyon ang 37-anyos na si Nadal at tumagal ang kaniyang rehabilitation.
Plano naman nito na magretiro na sa paglalaro ng tennis pagdating ng 2024.