-- Advertisements --

Pasok na sa ikatlong round ng US Open si Rafael Nadal.

Tinalo kasi nito si Fabio Fognini sa apat na sets 2-6, 6-4, 6-2 at 6-1 sa laro na ginanap sa Arthur Ashe Stadium.

Naging matindi ang laban na ito para sa 36-anyos na Spanish tennis star matapos na tumama pabalik ang raketa nito na nagresulta sa pagdugo ng kaniyang ilong.

Pansamantala itong inilabas sa court para bigyang ng paunang lunas at tinapos ang laban.

Aminado ang 22-Grand Slam champion na naging mahina ang pagsisimula ng kaniyang laro.

Susunod na makakaharap nito si Richard Gasquet ng France sa ikatlong round.