Kinumpirma ni AFP Chief of Staff Gen. Cirilito Sobejana ang appointment ni Rear ADM. Adelius Bordado, kapalit ni VADM Giovanni Carlo Bacordo na magreretiro na sa serbisyo bukas June 9,2021.
Binati ni AFP chief Bordado sa kaniyang pagkakatalaga bilang ika-39 Flag Officer in-Command ng Philippine Navy.
Bago nito, si Bordado ay Vice Commander sa Navy at humawak ng iba’t ibang posisyon sa AFP na may kinalaman sa operations, intelligence, information technology, budget, planning, education at maging sa training.
Si Bordado ay miyembro ng PMA Maringal Class of 1988.
Ayon kay Sobejana, napapanahon ang paghirang kay Bordado lalo pa’t itinutulak ngayon ang modernization program sa Navy.
Kumpiyansa si Sobejana na may sapat na kakayahayan at karanasan si Bordado para mapamuan ng tama ang Philippine Navy sa gitna na rin ng internal at external security challenge na kinakaharap ng bansa.
Bukas ang, gagawing change of command ceremony sa Philippine Navy.
















