Aminado si Rachelle Ann Go na isang sorpresa ang kanyang pagbubuntis.

Pahayag ito ng 34-year-old singer kasunod ng anunsyo na magkaka-baby na sila ng American husband.

Ayon kay Go, kusa nilang ipinagdasal sa Diyos na sila ay biyayaan na ng supling kung sa tingin ba ay handa na sila.

Noong una aniya kasi ay puro takot lamang ang kanyang nararamdaman na ba ka hindi pa siya handang sa malaking responsibilidad bilang isang ina.

Gayunman, ipinaubaya raw niya sa Panginoon para sa iginuhit na tadhana niya mula noong pasukin ang married life taong 2018.

“Surprise! It’s finally here! No more hiding secrets (and bumps)! We’re so excited to tell you all about our 2020, which was undoubtedly, and quite literally, a rollercoaster of ups and downs! Martin and I are very happy and excited to share this wonderful new chapter of our lives with you all,” saad pa ng Pinay Broadway star.