-- Advertisements --
Itinanggi ni 2020 Miss Universe Philippines Rabiya Mateo na nagparetoke ito ng ilong.
Sa kaniyang social media ay nagpost ito ng video na nilalaro ang ilong para patunayan na ito ay tunay.
Maraming mga fans at followers nito ang natuwa dahil sa nagpapatunay lamang na hindi ito sumailalim sa rhinoplasty o pag-retoke ng ilong.
Mula pa kasi noong Oktubre 2020 ay nababalot na ito ng batikos dahil umano sa pagpaparetoke nito.
Una ng itinanggi ng kaniyang ina ang nasabing usapin at sakali sumailalim ito sa retoke ay wala umano itong nakikitang mali.