R Kelly
R. Kelly/ IG post

Nahaharap muli sa dalawang kaso ng sexual assault ang singer na si R.Kelly.

Ayon sa Minnesota prosecutors, dalawang menor de edad na may edad 16 at 17 ang binayaran ng rapper at kaniyang nakatalik sa isang hotel.

Naganap ang insidente sa noong Hulyo 11, 2011 sa Minneapolis.

Sinabi ni Hennepin County Attorney Mike Freeman, lumapit ang mga biktima kay Kelly para lamang magpa-autograph subalit binayaran sila ng $200 para maghubad at makipagtalik sa kaniya.

Inihain na ng prosecutors ang dalawang kaso ng sex crimes sa singer dahil sa pakikipagtalik sa 18 pababa ang edad.