Reading Time: 1 minute
rkelly

Humaharap ngayon sa panibagong sex crime charges ang R&B singer na si R.Kelly matapos itong hulihin ng federal authorities sa Chicago ngayong araw.

Ayon kay Joseph Fitzpatrick, tagapagsalita ng U.S Attorney’s Office ng Northern District of Illinois, haharap sa patong patong na kaso ang singer tulad na lamang ng child pornography, enticement of a minor, at obstruction of justice.

Kinumpirma naman ng spokesman ni Kelly na si Darrell Johnson ang pagkakaaresto rito.

Hindi naman nagbigay ng karagdagang detale si Johnson ngunit sinabi nito na magdaraos sila ng press conference upang harapin ang mga katanungan ng press.

Kasalukuyang nasa ilalim ng kustodiya ng Chicago federal authorities ang mang-aawit.

Una nang kinasuhan ang 52-year old singer ng dalawang bilang ng multiple sex-crimes (aggravated criminal sexual assault, criminal sexual assault by force, aggravated criminal sexual abuse at aggravated criminal sexual abuse against an accuser between the ages of 13-17).