-- Advertisements --
DAVAO CITY – Nagpahayag si Kingdom of Jesus Christ Pastor Apollo C. Quiboloy na kung walang may kakayahan ang mga kakandidato sa mas mataas na posisyon sa gobyerno ay mapipilitan siyang tatakbo sa eleksiyon.
Ito ay may kaugnayan sa pagdeklara naman ni Sen. Manny Pacquiao kamakailan na siya ay kakandidato ito sa pagka-pangulo sa 2022 polls.
Ayon kay Quiboloy, kung gaya ng senador ang magiging presidente ng bansa ay mapipilitan siyang ituloy ang kanyang plano sa politika.
Samantala, sinabi naman niya na mananatili pa rin ang kanyang hamon kay Pacquiao na makipagdebate sila.
Gayunman, kung ipahintulot nga ng maykapaal ay maghahain siya ng kanyang certificate of candidacy sa susunod na buwan.










